By: UNIONDIGITAL BANK | September 30, 2022 |
Take the quiz para malaman how secure your UnionDigital Bank Account is.
Sure ka ba na ang iyong UnionDigital Bank app ay safe at secure? I-take mo ang quiz na ito para malaman mo ang level ng security ng iyong account.
Ano ang characters ng iyong password?
1 point: Letters lang
2 points: Numbers lang
3 points: Alphanumeric na merong uppercase and lowercase letters
Saan mo itinatago ang iyong passwords?
1 point: Nilalagay ko ito sa Notes app ng aking mobile phone.
2 points: Sinusulat ko ito sa notebook.
3 points: Isinasaulo ko ito.
Along klaseng lock ang meron ka sa iyong mobile phone?
1 point: Wala ako nito.
2 points: Password
3 points: Biometrics (fingerprint, Face ID)
Paano mo inu-update ang iyong app?
1 point: Hindi ko ito inu-update.
2 points: Inu-update ko ito gamit ang third-party source. Ginagamit ko ang lahat ng pwedeng options upang ma-update ang aking app.
3 points: Palagi kong inu-update ang aking apps at nagddownload ako sa official App Store gaya ng Google Play, Apple App, etc.
Pag nakakatanggap ka ng text message with links, ano ang iyong ginagawa?
1 point: Agad-agad kong kini-click ang link
2 points: Binabasa ko muna ang message bago i-click ang link
3 points: Chinecheck ko ang sender - kapag ito ay galing sa isang official source, kokopyahin ko ang link at ilalagay sa aking browser.
Pag kailangan mo ng WiFi connection, saan ka nagkokonek?
1 point: Nagkokonek ako sa mga network na walang password.
2 points: Nagkokonek lang ako sa WiFi na pwedeng pagkatiwalaan.
3 points: Sinisigurado ko na pinipili ko ang WPA-2-password-protected WiFi spot at dapat nagtitiwala ako sa may-ari.
Palagi bang naka-on ang iyong bluetooth?
1 point: Lagi itong naka-on.
2 points: Naka-on ang aking bluetooth kapag kailangan.
3 points: Naka-off ang aking bluetooth tuwing meron akong importanteng transactions.
Anong internet connection ang iyong ginagamit pag ikaw ay nagttransact gamit ang iyong UnionDigital Bank app?
1 point: Nagttransact ako sa aking UnionDigital Bank app gamit ang public WiFi connections.
2 points: Ginagamit ko ang WiFi connection ng aming kapitbahay kapag ako ay nagttransact sa aking UnionDigital Bank app.
3 points: Sinisigurado ko na ang aking internet connection ay secured (ex. ginagamit ko ang aking personal data connection sa aking mobile phone, personal WiFi, etc.) kapag ako ay nagttransact sa aking UnionDigital Bank app.
SECURITY SCORE
EASY TARGET
Mabuti nang maging safe kaysa mag-sorry sa huli! Kailangan mo pang mag-take ng extra steps para maging secure ang iyong UnionDigital Bank.
SAKTONG SAFE
On the way ka na! Konting steps nalang at magiging sobrang safe at secure na ang iyong UnionDigital Bank account.
SOBRANG SECURE
Ayos! Nagawa mo ang lahat ng steps para maging safe at secure ang iyong UnionDigital Bank account.